Graduation

March 20th, 2009 by clydine

nakakatawa naman. nabasa ko yung blog ko dito nung 1st day ng orientation ko nung 1st yr college ako. Eto na ako ngayon, magbloblog muli pero 4th yr na ako at gragraduate na sa sunday, march 22. Ang bilis pala talaga ng panahon. Di mo na lang namamalayan mga bagay bagay. Nakakatuwa naman. Amazing. hehe Andami ko dapat pasalamatan sa narating ko ngayon. Thank you sa inyong lahat!

p.s. kung mag comment man ikaw na nagbabase neto ngayon at hindi ako nagreply, pasensha na…di kasi ako lagi nagbubukas neto..T_T

matapos ang ilang dekada

September 28th, 2005 by clydine

HUWAAW!!! ako ay muling nag post dito sa blog ng friendster! hihi astig, medyo nung june pa ung huling kong post ah?? ahehehe ang dami nang kaganapan sa buhay buhay ko tulad na lang ng nanakawan ako dalawang beses. (na-BATMAN cel ko..) hahaha pero ayos lang. ako ay nakapag move on na sa nawalang mga cel na yun. (mabubulok kaluluwa mo "batman"!!) haay. patapos na ang first semester at sa susunod na linggo ay Finals na namin. hmm, may masasagutan kaya ako? naway meron naman. itong mga huling araw, ako ay tinatamad na gumising para pumasok sa unang subject namin. hmm, as in sobrang di na ako magising na talaga. ung katawan ko, ayaw bumangon! waah yan ang problema ko. wahahaha tapos, tinatamad na rin ako mag lrt at jeep pauwi..parang mas gusto ko nang mag shuttle lagi pauwi..ngunit iyon ay mas magastos at kelangan kong magtipid! hahaha o sha, nag blog lang naman ako kasi may inaantay akong ma download. ngayon, na download na kaya tatapusin ko na rin to. (nyi!) o sha. the end.

first day funk???

June 14th, 2005 by clydine

–__– ok. 6 pm dismissal time namin. hmm.ang wiweird ng teachers namin..kanya kanyang..hmm..di ko mahanap ang tamang word. hahaha kapagod..ang sakit pa ng paa ko dahil sa sapatos.-_- hay makatulog na nga! sa ibang araw na lang ako magkwekwento! hehe 7:30 pa pasok ko bukas!! huhuhu

Sunday Evening…Linggo ng Gabi

June 12th, 2005 by clydine

haay. wala na naman ako magawa tulad ng dati. Araw ng Kalayaan today pero parang wala man lang ako na-feel na "nationalism". Actually, merong attempt kanina sa mass. Before binigay nung father ang final blessing, kinanta namin ang Lupang Hinirang. nakakalungkot, kasi parang nagdalawang isip pa ang mga tao. ung iba, ayaw pa ilagay ung kanang kamay nila sa dibdib. bakit? nakakahiya ba? korny? haay. pero salamat na rin sa kanila..kasi nakita ko rin sarili ko sa kanila. may ugali kasi ako na hindi naglalagay ng kanang kamay sa dibdib pag pinapatugtog ang Lupang Hinirang sa sinehan. * o dba? guilty?* pero proud ako sa Lupang Hinirang natin.ΓΌ babaguhin ko na ung ugali na yun. kung gusto ko makakita ng pagbabago sa kapwa kong Pinoy, kelangan kong simulan sa sarili ko. haay. antok nako. 11 na at siguradong patay ako sa lola ko pag nalaman nyang gising ako hanggang ngayon. oh sha. *katapusan*

Day 1 ng orientation

June 6th, 2005 by clydine

grabe nato. –_– himalang nabuhay ako after lahat nung talks kanina sa school. grabe..literal na orientation..as in literal na literal..(T-T) bawat detalye…..grabe talaga!!! at shempre, kinanta rin namin ang College hymn bago umuwi. (– –,) o dba!?! hahaha sa st.cecilia’s hall kami nag orientation. ok ung venue. mas mabilis ka makatulog dun…kaso kelangan habang nakadilat…para di nila malaman na tulog ka. may mga naninita kasi eh. hehehe nag lunch kami sa KFC. walang pang 12 nn nun pero halos ubos na ang mga pagkain! wala nang chicken strips!!! huhuhu nakakatawa pa yung babae. sabi nya "Ma’am, wala na po kami softdrinks eh…iced tea na lang at dalandan.." *lumingon ung babae* "ay! dalandan na lang po pala!". nagbiruan na nga kami ng kasama ko na baka mamaya, yelo na lang ang ma-offer nila eh! hahahaha! kaya pala mahirap buhay ng college…walang makain eh…joke lang! =)) hehe ayun…ito ang ilang pangyayari sa aking day 1 ng orientation.

wala akong maisip

June 5th, 2005 by clydine

hay naku. wala na talaga akong magawa. –_– kaya naisipan kong pagtripan natong blog ng friendster. ahahaha!! bukas, orientation na namin. akalain mo?? apat na raw yun at buong araw sha! 7:45 am hanggang 5 pm!! grabe!! sana man lang mga 3pm or 4..pero hindi!!! 5 pm talaga!! ang masama parun, commuter nako!! huhuh diba rush hour yun!?! paaano na!?! umuulan pa!?! ( haha daming reklamo noh??)  hay naku…goodluck na lang talaga.