Archive for June, 2005

first day funk???

Tuesday, June 14th, 2005

–__– ok. 6 pm dismissal time namin. hmm.ang wiweird ng teachers namin..kanya kanyang..hmm..di ko mahanap ang tamang word. hahaha kapagod..ang sakit pa ng paa ko dahil sa sapatos.-_- hay makatulog na nga! sa ibang araw na lang ako magkwekwento! hehe 7:30 pa pasok ko bukas!! huhuhu

Sunday Evening…Linggo ng Gabi

Sunday, June 12th, 2005

haay. wala na naman ako magawa tulad ng dati. Araw ng Kalayaan today pero parang wala man lang ako na-feel na "nationalism". Actually, merong attempt kanina sa mass. Before binigay nung father ang final blessing, kinanta namin ang Lupang Hinirang. nakakalungkot, kasi parang nagdalawang isip pa ang mga tao. ung iba, ayaw pa ilagay ung kanang kamay nila sa dibdib. bakit? nakakahiya ba? korny? haay. pero salamat na rin sa kanila..kasi nakita ko rin sarili ko sa kanila. may ugali kasi ako na hindi naglalagay ng kanang kamay sa dibdib pag pinapatugtog ang Lupang Hinirang sa sinehan. * o dba? guilty?* pero proud ako sa Lupang Hinirang natin.ΓΌ babaguhin ko na ung ugali na yun. kung gusto ko makakita ng pagbabago sa kapwa kong Pinoy, kelangan kong simulan sa sarili ko. haay. antok nako. 11 na at siguradong patay ako sa lola ko pag nalaman nyang gising ako hanggang ngayon. oh sha. *katapusan*

Day 1 ng orientation

Monday, June 6th, 2005

grabe nato. –_– himalang nabuhay ako after lahat nung talks kanina sa school. grabe..literal na orientation..as in literal na literal..(T-T) bawat detalye…..grabe talaga!!! at shempre, kinanta rin namin ang College hymn bago umuwi. (– –,) o dba!?! hahaha sa st.cecilia’s hall kami nag orientation. ok ung venue. mas mabilis ka makatulog dun…kaso kelangan habang nakadilat…para di nila malaman na tulog ka. may mga naninita kasi eh. hehehe nag lunch kami sa KFC. walang pang 12 nn nun pero halos ubos na ang mga pagkain! wala nang chicken strips!!! huhuhu nakakatawa pa yung babae. sabi nya "Ma’am, wala na po kami softdrinks eh…iced tea na lang at dalandan.." *lumingon ung babae* "ay! dalandan na lang po pala!". nagbiruan na nga kami ng kasama ko na baka mamaya, yelo na lang ang ma-offer nila eh! hahahaha! kaya pala mahirap buhay ng college…walang makain eh…joke lang! =)) hehe ayun…ito ang ilang pangyayari sa aking day 1 ng orientation.

wala akong maisip

Sunday, June 5th, 2005

hay naku. wala na talaga akong magawa. –_– kaya naisipan kong pagtripan natong blog ng friendster. ahahaha!! bukas, orientation na namin. akalain mo?? apat na raw yun at buong araw sha! 7:45 am hanggang 5 pm!! grabe!! sana man lang mga 3pm or 4..pero hindi!!! 5 pm talaga!! ang masama parun, commuter nako!! huhuh diba rush hour yun!?! paaano na!?! umuulan pa!?! ( haha daming reklamo noh??)  hay naku…goodluck na lang talaga.