Sunday Evening…Linggo ng Gabi
haay. wala na naman ako magawa tulad ng dati. Araw ng Kalayaan today pero parang wala man lang ako na-feel na "nationalism". Actually, merong attempt kanina sa mass. Before binigay nung father ang final blessing, kinanta namin ang Lupang Hinirang. nakakalungkot, kasi parang nagdalawang isip pa ang mga tao. ung iba, ayaw pa ilagay ung kanang kamay nila sa dibdib. bakit? nakakahiya ba? korny? haay. pero salamat na rin sa kanila..kasi nakita ko rin sarili ko sa kanila. may ugali kasi ako na hindi naglalagay ng kanang kamay sa dibdib pag pinapatugtog ang Lupang Hinirang sa sinehan. * o dba? guilty?* pero proud ako sa Lupang Hinirang natin.ΓΌ babaguhin ko na ung ugali na yun. kung gusto ko makakita ng pagbabago sa kapwa kong Pinoy, kelangan kong simulan sa sarili ko. haay. antok nako. 11 na at siguradong patay ako sa lola ko pag nalaman nyang gising ako hanggang ngayon. oh sha. *katapusan*